top of page
PROYEKTO SA FILIPINO
M
Lecture #3
ANG TALAMBUHAY
Ito ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay o naglalahad ng isang tao. Tinatawag na talambuhay na paiba kung may akda ang naglalahad ng mga ginagawa at pangyayari sa buhay ng ibang tao. Kung isinusulat naman ng may akda ang kanyang buhay, ito ay sinasabing talambuhay na pansarili.
May dalawang paraan ng pagsulat ang talambuhay. una, ang karaniwang paraan na pumapaksa sa mga sa mga pangyayari sa buhay ng taong sinulat. dito'y maaaring banggitin ang kanyang pagsilang, mga magulang, pagaaral, at mga tinamong karangalan, o mga tampok na gawa.
Ang ikalawang paraan ay palahad. ang pokus neto ay ang kaniyang mga layunin , simulain at mga kaisipan na may kaugnay sa kanyang pagtatagumpay o pagkabigo.
bottom of page