top of page
PROYEKTO SA FILIPINO
M
ALAMAT NG MARIPOSA
Sa isang malawak na hardin , mayroong mga puno, damo sariwang bulaklak, mga insekto at iba't ibang klase ng mga paru-paro. ngunit si Marifons ang tanging kapansin pansin dahil kakaiba siya sa lahat ng mga paru-paro sa hardin.
Isang araw nagkita sila ng pinakamagandang paru-paro sa hardin habang umiiyak si Marifons, dahil di na niya nkayanan ang mga pangaapi sakanya. Ayaw din siya bigyan ng mga bulaklak ng makakain. "bakit ka umiiyak?" tanong sakanya ng magandang paru-paro. sinabi ni Marifons ang dahilan "kung ganoon, hayaan mo kong baguhin at pagandahin ka" sabi ng magandang paru-paro. at sa isang iglap gumanda at kuminang ang mga pakpak ni Marifons.
Simula rin noon tinanggap na siya ng mga kapwa niya paru-paro at mga bulaklak. nagpapasalamat siya sa magandang bulaklak dahil sa ginawa neto sakanya "Basta lagi mong tatandaan, kahit maganda ka na ngayon, wag kang magyayabang, naiintindihan mo ba?" yan ang huling paalala saknya ng magandang paru-paro at sinusunod naman niya ito.
bottom of page