top of page
PROYEKTO SA FILIPINO
M
Lecture #5
ANG KWENTONG BAYAN
Ito ay kwentong nagpasalin salin sa bibig ng ating mga ninuno sa mga bulwagan ng mga lakan at datu noon ay ito ang kinagigilawang isinasalysay ; palibhasay wala silang pinaglilibanga.
PANGUNAHIN AT PANTULONG NA TAUHAN
Tauhan- Ito'y mga likhang tao sa iisang akdang pampanitikan na akala mo'y buhay-nagsasalita, nagiisip at nag papahayag ng iba't ibang damdamin. tauhan ang nagpapakilos sa storya upang maging ganap ang mga pangyayaring nais ilahad.
Pangunahing tauhan o Bida- sa kanya nakatuon ang mga pangyayaring sa isang akda.
Pantulong na tauhan- tauhan sa akda na maaaring kakampi o kalaban ng pangunahing tauhan. isa siya sa nagpapasalimuot ng istorya upang maging makulay ang pangyayari.
Iba pang tauhan- Tauhang may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng kwento. tumutulong upang lalong mapaintig ang mga pangyayari at nakababahagi sa paglutas ng suliranin.
bottom of page